Comedy King Dolphy, may palatandaan daw sa hahalili sa kanyang 'trono'
Bukod sa miyembro ng kanyang pamilya, ang director at writer na si Direk Bibeth Orteza na marahil ang isa pang tao na lubhang nakakakilala sa King of Comedy na si Dolphy.
Si Bibeth ang pinagkatiwalaan ni Dolphy na gumawa at sumulat ng libro tungkol sa kanyang buhay, ayon sa ulat ni Tricia Zafra sa GMA News TV’s Balitanghali nitong Huwebes.
Ang libro na may titulong 'Dolphy: Hindi Ko Ito Narating Mag-isa,' ay inilunsad noong 2008 at itinaon sa kanyang ika-80 kaarawan.
Ayon kay Direk Bibeth, malaking karangalan sa kanya na makapagsulat ng buhay ng isa sa mga itinuturing haligi ng pelikulang Pilipino.
"He trusted me well enough to tell me the story of his life. The things that I enjoyed while writing the book, kasi three nights a week, every night, he would take me out to dinner," kwento ni Bibeth.
Mababasa umano sa libro ang naging buhay ni Dolphy sa loob at labas ng showbiz at mga munting bagay na nagpapatawa at nagpapaiyak sa kanya.
Nakita umano niyang naging emosyunal ang beteranong aktor kapag napag-uusapan ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
"When we talk about his parents, talked about his mother, mga kahinaan ni Tito Dolphy, eh. And then when he talked about thinking na hindi niya na ulit makikita si Vandolph, naiiyak siya roon. When I talk about Zsa Zsa, about his operation. Basta pamilya at mga kaibigan. Together he gets emotional talking about FPJ (Fernando Poe Jr.)," patuloy ni Bibeth.
Tungkol sa mga babaeng naugnay sa kanya, sinabi umano ni Dolphy na mabibilang lang sa daliri sa kamay ang kanyang minahal. Pero biro nito, kung isasama ang lahat ng babaeng nakasama niya, masisira umano ang abacus ng Chinese sa dami.
At nang tanungin niya kung sino sa tingin ni Dolphy ang magmamana ng kanyang trono bilang Comedy King, tugon umano ng batikang komedyante: " Sabi niya, 'yong hindi tumatawag sa kanyang sarili niya na next Dolphy.’" - Mac Macapendeg, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement