JPE, tutol na ilipat sa regular na piitan si ex-Pres. Arroyo
Nagbabala si Senate President Juan Ponce Enrile na magiging malaking usapin na kakaharapin ng pamahalaang Aquino kapag may masamang nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kasalukuyang naka-hospital arrest.
Ang pahayag ay ginawa ng senador kaugnay sa isinasagawang pagdinig ng korte sa kahilingan ni Arroyo na payagang siyang makapagpiyansa sa kinakaharap ng mga kaso, partikular sa electoral sabotage.
“Ang balita ko critical pa rin yung dating president. Ang sinasabi, ang balita ko, hindi makalulon at liquid lang ang kinakain niya at walang mga doctor dito na gustong humawak sa kanya. Palagay ko kapag may mangyari diyan, malaking usapin iyan,’ ayon kay Enrile sa panayam nitong Huwebes.
Tutol ang senador sa ilang panawagan na dapat ilipat na sa regular na piitan si Arroyo mula sa kinalalagyan nito sa Veterans Memorial Medical Center.
Sinabi ni Enrile na dapat bigyan pa rin ng konsiderasyon ang posisyon ni Arroyo, kongresista ngayon ng Pampanga, at dapat ding ituring inosente hanggat hindi napapatunayang nagkasala ng korte.
“Titingnan naman nila yung kanilang evidence kung talagang malakas para sa ganun sigurado sila na maikukulong nila hindi. Baka later on wala naman silang evidence ilalagay mo sa bartolina, mahirap yun. Lalo na sa condition niya may sakit siya, kung mamatay iyan sa bilangguan?" paliwanag niya.
Ipinaalala rin ni Enrile na noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pinayagan nilang makagpagamot sa ibang bansa ang ama ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na si dating Sen. Ninoy Aquino Sr.
Si Enrile ay naging miyembro ng Gabinete ni Marcos.
Dagdag pa niya, naging dahilan ng pagbagsak ng liderato ni Marcos ang pagkamatay ng mga kritiko nito sa ilalim ng kanyang pamamahala kagaya nina Ninoy at Antique governor Evilio Javier. -- RE/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement