ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Robredo, nanindigang hindi dinukot ng ASG ang Jordanian journalist


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nanindigan si Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na hindi dinukot ng bandidong Abu Sayyaf Group ang “nawawalang" Jordanian journalist na si Baker Atyani. Ang pahayag ay ginawa ng kalihim nitong Biyernes, kasunod naman ng pahayag ng Foreign Ministry ng Jordan na dinukot ang kanilang kababayan sa Sulu. Si Atyani, Southeast Asia bureau chief ng Al Arabiya news network, at dalawa nitong Pinoy crew, ay iniulat na nawawala mula pa noong June 12. "Palagay ko they [Foreign Ministry] were not fully informed of the facts and circumstances. [Atyani] was not kidnapped or abducted, he was there to conduct an interview," pahayag ni Robredo sa panayam sa telepono ng GMA News Online nitong Biyernes. Una rito, iniulat sa The Jordan Times na sinabi umano ni Sabah Rafei, Ministry spokesperson, na kinumpirma ng kanilang embahada sa Tokyo at consul sa Manila na dinukot si Atyani. Sinabing nagtungo si Atyani, kasama ang crew nito na sina Ramelito Vela at Rolando Letrero, sa Patikul, Sulu para magsagawa ng panayam sa mga kasapi ng ASG. "Kung hindi sila pumunta dun hindi sana sila hawak nito [Abu Sayyaf]," ayon kay Robredo. Dagdag ng kalihim, batay sa nakalap nilang impormasyon, ligtas at maayos ang kalagayan ng tatlo. "Ang alam ko may contact [ang local authorities sa kanila. They're] safe. [And] this is not the first time he has been there. He did this before, alam niya ginagawa niya," ayon pa kay Robredo. Sinabi ni Sulu police provincial director Senior Superintendent Antonio Freyra, na tatlo o apat na ulit nang nakapunta sa Pilipinas si Atyani. Sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Biyernes, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na batay sa nakalap nilang impormasyon, boluntaryong nagpunta ang grupo ni Atyani sa ASG. "There seems to be no indication to the contrary. There has been no ransom that has been reported or that has come to light. From where we stand the situation remains the same," she said. Wala pa umanong natatanggap ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kahilingan mula sa Jordanian consulate para “sagipin" si Atyani. “But we will check with them today. From what we understand, the DFA has been in communication with the Jordanian embassy," pahayag ni Valte. - FRJ, GMA News

Tags: atyani, jordanian, asg