Ruffa Gutierrez, nag-quit sa sariling showbiz talk show dahil 'binastos' daw
Dahil sa umano'y pambabastos sa kanya, hindi na raw magiging bahagi ng isang showbiz talk show sa ibang network ang tv host-actress na si Ruffa Gutierrez. Sa kanyang Twitter account, naglabas ng sama ng loob si Ruffa nitong Sabado kaugnay sa naging panayam sa kanya ng mga kapwa host sa show na "Paparazzi" na napapanood sa TV5. Ang naturang panayam ay bahagi ng birthday presentation ng naturang show para kay Ruffa. Mabilis na tinapos ng aktres ang naturang segment ng show nitong Sabado dahil hindi umano nito nagustuhan ang mga itinanong sa kanya tungkol sa mga nakaraang nakarelasyon. Matapos nito ay nag-post ng sunud-sunod na pahayag si Ruffa sa kanyang Twitter account: âHindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kwenta at wala kayong respeto. âThe msg from Habitat For Humanity & Ms. Faith of Avon Philippines was hgeartwarming but what happened after that was a disgrace! #Paparazzi âHindi nyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko! Yung head ng PROGRESS Gold Milk of Wyeth was at the studio, my friends were watching. âBinastos ako ng #Paparazzi on my birthday. I'm so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER! âFrom this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any (cont) http://tl.gd/hvpmos âI refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others. #Paparazzi âLorin & Venice were watching #Paparazzi earlier cuz they were excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me. Pag-uwi sa bahay, ipinaalam din ni Ruffa sa pamamagitan ng pag-tweet ang suportang nakuha niya sa kanyang pamilya. âTears of happiness upon coming home to my family. True love!! ❤❤❤ âThe year of the water dragon is the year of change. 😊 âI'm smiling again. I ♥ you guys! You know who you are. Maraming maraming salamat. Mukhang may pag-asang magiging masaya ako sa bday ko! ☺☺☺ Galit si Annabelle May hiwalay ding mga post sa Twitter ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, na nagpapakita ng galit sa nangyari sa naturang panayam sa kanyang anak. Sinisisi ng kontrobersiyal na talent manager ang mga writer ng naturang show na tinawag niyang mga walang utak at maniac. Hiniling din ni Annabelle sa pamunuan ng naturang network na imbestigahan ang nangyari. âYan ba ang bday gift nila sa anak ko? Walang natutuwa! Dapat palitan at tanggalin ang maniac na yan! âSana maimbestigahan ang mga writers and everyone who's behind all this. Thank you. Sa artikulong isinulat ni Nerisa Almo sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, sinabi nito na nagpadala ng opisyal na pahayag ang TV5 tungkol sa isyu: "TV 5 management is seriously concerned about the turn of events today at Paparazzi and is now looking into the incident. We promise everyone that we shall take appropriate action." â FRJimenez, GMA News Ang GMA News Online ay ang opisyal na news website ng GMA Network