Manila vice mayor Isko Moreno, nagreklamo na pinagbantaan daw sila ni Mayor Lim
Nagsumbong sa pulisya nitong Sabado si Manila vice mayor Isko Moreno at 28 konsehal ng lungsod dahil sa umano’y ginawang pagbabanta sa kanila ng kanilang alkalde na si Alfredo Lim.
Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Sabado, sinabi ni Moreno na ang pagbabanta sa kanila ay ginawa ni Lim sa pulong ng mga barangay officials.
“Kung gusto niyo ng away, referring to 28 councilors and vice mayor, pagbibigyan ko kayo," kwento ni Moreno na sinabi umano ni Lim sa pulong.
“’Wag niyong hintayin na natutulog ako, pag-isipan ko kayo ng masama," dagdag pa ng bise alkalde na binitiwan umanong salita ni Lim.
Nag-ugat umano ang girian ng dalawang opisyal ng Maynila dahil sa patuloy na pagtanggi ni Lim na pasahurin ang kanilang empleyado kahit nanalo na sila sa korte.
Hinihinala rin ni Moreno na nagalit sa kanya si Lim nang lumipat siya sa partido ni dating Pangulong Joseph Estrada na napabalitang tatakbong alkalde ng lungsod.
Pinag-aaralan daw ng grupo ng bise alkalde kung magsasampa sila ng kasong grave threat laban kay Lim.
Iginiit naman ni Lim na sinusunod lang niya ang ipinalabas na memorandum ng Commission on Audit tungkol sa labis na gastusin sa lungsod kaya sila nagbawas ng mga kawani.
Katunayan, hindi lang umano si Moreno ang nawalan ng mga empleyado.
“Nagtanggal kami sa hanay namin 770, yung sa kanila ang tinanggal 714. Pareho lang kaming natanggalan kasi nga lumampas yung pagbabayad ng sweldo," paliwanag ni Lim.
Iginiit niya na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho at walang halong pulitika.
Handa rin daw ang alkalde na harapin ang anumang kaso ng isasampa ni Moreno.
“Magsampa siya. Kung ano ang reklamo niya haharapin ko. Sana totoo yung sinsabi niya 'wag kasinungalingan" ayon kay Lim. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement