ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jillian Ward at Solenn Heussaff, bibisita sa Pare & Pare


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Linggo (June 24), samahan sina Ogie Alcasid at Michael V sa katatawanan, kwentuhan at kantahan sa bagong kinagigiliwang musical-talk-show ng Kapuso Network, ang Pare & Pare! Makikipagkulitan sa mga pare ng bayan ang Kapuso child star na si Jillian Ward. Dito ay sasagutin niya ang mga maintrigang tanong tungkol sa mga showbiz crush niya at ang hilig niya sa fairy tales. Mamangha rin sa kanyang pagkanta, pagsayaw at pagluluto sa tulong nina Pareng Ogie at Pareng Bitoy. Sino kaya sa kanila ang unang susuko sa kulitan? Paiinitin naman ng Kapuso leading lady na si Solenn Heussaff ang entablado sa kanyang pag-awit at pagsayaw sa kanyang single na "Ladies Night." Kasama rin niya ang tatlong topless male models. Makipag-jamming din sa sikat na bandang 'Never the Strangers.’ Magbibigay-pugay din sina Ogie at Bitoy sa King of Comedy na si Dolphy, na nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman. At sa “Uso Ngayong Linggo," silipin ang mga hottest showbiz news, kasama ang latest na ipinakita ni Madonna sa kanyang concert sa Turkey. Magpapawis at makisayaw din sa hottest viral video ang, "How To Dance in The Club". Kilalanin ang dalawang kuwelang dance divas sa bagong video na "How Not To Dance In The Club." Lahat ‘yan ay mainit na ihahanda sa inyo nina Parang Ogie at Pareng Bitoy sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng 'Pinoy Adventures'. – FRJ, GMANetwork.com