Hinihinalang miyembro ng ‘Basag Kotse Gang,’ umatake sa Iloilo City
Dalawang sasakyan sa Iloilo City ang nabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng “Basag Kotse Gang" at natangayan ng mga mahahalagang gamit.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, sinabi ng saksi na isang lalaki ang nakitang lumapit sa isa sa mga sasakyan at binasag ang salamin ng SUV.
Mabilis rin umanong umalis ang hindi nakilalang suspek matapos makuha ang pakay na gamit.
Sa isang SUV, isang bag na puno ng damit ang nakuha. Pitaka at tablet computer naman ang nakuha sa isa pang sasakyan.
Samantala, isang empleyado naman ng bangko ang hinoldap at nakuhanan ng mga gamit at pera sa Barottac Nuevo sa Iloilo City.
Sakay umano ng motorsiklo ang biktima nang harangin ito ng suspek at tutukan ng baril. Kinuha ang suspek ang kanyang pera, cellphone at susi ng kanyang motorsiklo. - FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement