Ms. Annette Gozon-Abrogar, hinirang bilang isa sa Most Beautiful Moms ng isang magazine
Kinilala bilang isa sa Most Beautiful Moms ng BC Magazine ngayong 2012 si Ms Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Worldwide Inc. at GMA Films. Sa ulat ni Micaela Papa sa News To Go nitong Lunes, inihayag ni Ms. Annette ang mahalaga niyang tungkulin sa kanyang mga anak bilang isang working mom. "I believe na the role of any Mom and Dad is to be role models talaga. They have to see what kind of lives their parents live and given the fact that I'm a working mom, I make sure na the time I spend with them is talagang quality time," paliwanag niya. "I have to make sure na every minute that I spend with them is really quality time," dagdag ni Ms. Annette. Ayon naman kay Kariz Favis, Editor-in-Chief ng magazine, napili nila si Ms. Annette dahil maliban sa taglay niyang kagandahan, naging matagumpay din ito sa kanyang propesyon. "Well asides from being beautiful, one of the beautiful faces of our country, she's very accomplished. She's a person to look up to," pahayag ni Kariz. Kabilang din sa mga Most Beautiful Moms and Hautest Dads sina Danica Sotto, Miguel Zubiri, Audrey Tan Zubiri, at San Juan City Vice Mayor Francis Zamora. "Hindi lamang kami nagsisilbi sa aming mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila, ngunit pagsisilbi bilang magandang halimbawa sa mga pamilya [at] sa mga ama," ayon naman kay Zamora. Ginawa ang pagkilala sa Most Beautiful Moms at Hautest Dads ng BC Magazine nitong Hunyo 24, 2012 sa SM Mall of Asia, Pasay. —Mac Macapendeg/FRJ, GMA News