Dolphy, humingi na ng tubig; nag-I love you rin kay Zsa Zsa
Kasunod ng patuloy na pagbuti ng kalusugan ni Dolphy, sinabi ng anak nitong si Eric Quizon na humingi na umano ng tubig ang kanyang ama.
Sa text message na ipinadala ni Eric sa media, ipinaalam nito ang labis na kasiyahan ng kanyang pamilya sa mga positibong nangyayari sa amang may sakit at nakaratay sa Makati Medical Center.
Ayon kay Eric, sinisikap na umano ng kanyang ama na makipag-usap sa kanila bagaman hindi pa nila naririnig ang mga sinasabi nito.
“Now he tries to communicate even if we can’t hear him. He said I love you Zsa Zsa (Padilla) and my sisters. Of course this is lip reading. He also asked for water," ayon sa actor-director.
Sa ipinalabas na medical bulletin nitong Miyerkules ng hapon tungkol sa kalagayan ni Dolphy, ipinaalam ni Dr. Eric Nubla, director ng patient relations ng MMC, na napagaling na ang pulmonya ng 83-anyos na aktor pero mayroon pang "some infection in his system."
Bagaman kritikal pa rin ang kalagayan, higit na mas aktibo raw ngayon si Dolphy sa pagbibigay ng senyales kaysa mga nakalipas na araw.
Patuloy na kakailanganin umano ni Dolphy ang blood transfusions at dialysis, ayon kay Nubla. - FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement