Payo ng obispo sa pamahalaan, unahing tulungan ang mga naghihirap na Pinoy
Bagaman hindi umano masama ang tumulong, dapat daw unahin ng pamahalaang Aquino na tulungan ang mga naghihirap nitong kababayan.
Ang pahayag ay ginawa ni Basilan Bishop Martin Jumoad, bilang reaksiyon sa gagawing pagpapautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng $1 bilyon o tinatayang P42 bilyon sa International Monetary Fund (IMF).
Sinabi ng obispo na mas mabuting unahin muna ng pamahalaan na tugunan ang problema sa bansa tulad ng tumataas na bilang ng mga nagugutom at walang trabaho.
"Charity begins at home. Wala naman problema kung tumulong tayo sa problema ng ibang bansa pero sana lang unahin muna natin ang problema sa sarili nating bakod," ayon kay Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
“Marami ang nagugutom at walang trabaho, yun siguro ang mas pakatutukan bago ang pagpapautang natin sa ibang bansa," dagdag niya.
Una rito, ipinaliwanag ng opisyal ng BSP na ang $1 bilyong ipapahiram sa IMF ay ipauutang naman sa mga naghihikahos na bansa sa Europa.
Kailangan umanong alalayan ang naghihingalong ekonomiya sa Europa dahil maraming Pinoy na nagtatrabaho doon ang maapektuhan kapag tuluyang bumagsak ang kanilang ekonomiya.
Bukod dito, pagpapakita rin ito ng suporta sa IMF sa pagtulong sa mga nangangailangang bansa; gaya ng ginawang pagsuporta sa Pilipinas noong nangungutang pa ito sa nasabing institusyon.
Nabayaran ng Pilipinas ang lahat ng utang nito sa IMF noong 2006 sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Para naman kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, pagpapa-pogi ang dahilan sa planong pagpapautang ng BSP sa IMF.
May kinalaman umano ito sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III na gagawin na susunod na buwan.
Hinihinala ng arsobispo na isasama sa talumpati ni Aquino sa SONA ang gagawing pagpapautang sa IMF.
"Para sabihin na sa ilalim lang ng kanyang administrasyon nagkaroon ng pagpapautang ang Pilipinas sa IMF… Kunwari maunlad na tayo pero ang totoo hindi naman," pahayag ni Cruz sa hiwalay na panayam ng nasabing himpilan ng radyo. - MP/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement