ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sa Kabila ng Kapansanan' sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

WISH KO LANG Sa Kabila ng Kapansanan Airing Date: June 30, 2012 Dating magsasaka si Lolo Ricardo, pero dahil sa sugat na naimpeksiyon, kinailangang putulin ang kanyang mga paa. Para raw inalis ang kanyang kakayahan na magampanan ang pagiging haligi ng tahanan. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginawa niyang abala ang sarili at hinasa ang husay sa pagbubutingting. Ngayon, kilala na siyang sapatero sa kanilang lugar sa Isabela. Hindi lang iyon, gumagawa rin siya ng mga kama at tsaka niya ito binebenta. Marami ang hanga kay Lolo Ricardo dahil sa kabila ng kanyang kapansanan, pursigido pa rin siya at naniniwalang mahalaga pa ang silbi niya sa buhay. Panoorin ang kwento ni Lolo Ricardo sa Wish Ko Lang, Sabado ng hapon pagkatapos ng Startalk! Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at sa Twitter.

Tags: plug