Dating aktor na na-discover sa lamayan
Alam niyo ba na sa isang lamayan na-discover ang isang dating aktor na naging matagumpay na pulitiko sa isang lungsod sa Metro Manila.
Si Francisco Domagoso ay nasa lamayan ng isang kapitbahay sa Tundo, Maynila nang makita ng star builder sa showbiz industry na si Wowie Roxas noong 1993.
Hinikayat siyang mag-audition sa noo’y sikat na youth oriented show na That's Entertainment na pinamamahalaan ni German “Kuya Germs" Moreno.
Nang pumasa sa audition, ginamit ni Francisco ang screen name na “Isko Moreno," na mula sa kanyang palayaw na “Isko" at apelyido ni Kuya Germs na “Moreno."
Mula sa pagiging artista, tumakbong konsehal sa unang distrito ng Maynila si Isko noong 1998 elections. Tatlong termino o siyam na taon siyang naging konsehan sa nasabing distrito bago naging bise alkalde ng lungsod. -- FRJ, GMA News
Si Francisco Domagoso ay nasa lamayan ng isang kapitbahay sa Tundo, Maynila nang makita ng star builder sa showbiz industry na si Wowie Roxas noong 1993.Hinikayat siyang mag-audition sa noo’y sikat na youth oriented show na That's Entertainment na pinamamahalaan ni German “Kuya Germs" Moreno.
Nang pumasa sa audition, ginamit ni Francisco ang screen name na “Isko Moreno," na mula sa kanyang palayaw na “Isko" at apelyido ni Kuya Germs na “Moreno."
Mula sa pagiging artista, tumakbong konsehal sa unang distrito ng Maynila si Isko noong 1998 elections. Tatlong termino o siyam na taon siyang naging konsehan sa nasabing distrito bago naging bise alkalde ng lungsod. -- FRJ, GMA News
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement