Ilang bahay, winasak ng malalakas na alon sa Davao City
Ilang pamilya ang nawalan ng tirahan sa Davao City nang masira ang kanilang mga bahay bunga ng malalakas na hampas ng alon nitong madaling-araw ng Miyerkules.
Sa ulat ni Real Sorroche ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabi nito na hindi bababa sa walong bahay na nakatirik malapit sa dagat ang nasira sa coastal barangay 76-A sa lungsod ng Davao.
Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang paglakas ng mga alon dahil nagising at nakalikas ang mga tao sa ingay ng daluyong ng tubig-dagat at pagkabasa ng kanilang bahay.
Tinatayang aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan ng malakas na hampas ng alon na tumagal umano ng ilang oras. Ilang residente rin umano ang walang naisalbang gamit na tinangay ng alon.
Mabilis namang nakaresponde ang rescue unit ng Davao City para hikayatin na lumikas ang iba pang pamilya. Mga mga residente rin nagpaiwan para bantayan ang kanilang bahay na hindi pa tinatangay ng alon.
Bukod sa barangay 76-A, sinabing nanalasa rin ang malakas na alon sa barangay Bangcal kung saan dalawang bahay ang nawasak at 20 residente ang naapektuhan. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement