GMA News Online Showbiz » Chika Minute

GMA Network, nangunguna pa rin sa TV rating sa Pilipinas

July 5, 2012 5:35pm
Nananatiling nangunguna ang Kapuso Network sa buong bansa, batay sa ratings na isinagawa ng Nielsen TV Audience para sa unang anim na buwan ng 2012.

Nakapagtala ang GMA-7 ng 35.5 points na household audience share sa National Urban TV audience measurement mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing mas mataas ng limang puntos ang nakuhang ratings ng GMA-7 kumpara sa 30.5 points ng ABS-CBN.

Mahigit 20 puntos naman ang agwat ng Kapuso station sa 14.6 points na nakuha ng TV5.



Kumpara sa unang anim na buwan noong nakaraang taon, tumaas pa ng 2.4 points ang household audience share ng Kapuso Network. Samantala, bumaba naman umano ng 1.6 points ang marka ng ABS-CBN at 0.6 points sa TV5.

Para sa buwan ng Hunyo, nananatiling numero uno ang GMA-7 na may 34.4 points na household audience share kumpara sa 32.7 points ng ABS-CBN at 13.7 points ng TV5.

Ang mga nabanggit na datos ay nagmula sa Nielsen TV Audience Measurement na pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming kumpanya sa industriya ng broadcasting. - MMacapendeg/FRJ, GMA News

GMA News Online is the news website of GMA Network
 



advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement