30-anyos na lalaki, ikinulong dahil sa pagmolestiya daw sa kapwa lalaking menor de edad
Kulong ang inabot ng isang 30-anyos na lalaki matapos siyang akusahan ng pangmomolestiya ng isang minor de edad, na siya mismo ang nagdala sa presinto para isumbong na paali-aligid daw sa bahay na kanyang binabantayan sa San Carlos City, Pangasinan.
Labis ang galit ng ina ng 15-anyos na biktima sa nakakulong na suspek na todo tanggi naman sa paratang.
Kwento ng biktima sa pulisya, nangongolekta sila ng kanyang mga kaibigan ng mga plastic bottle sa isang bakanteng lote sa San Carlos City na binabantayan ng suspek.
Sinita umano sila ng suspek at inakusahang nagnanakaw kaya natakot sila. Nakatakbo umano ang kanyang mga kasama pero naiwan ang biktima.
Bilang parusa umano sa binatilyo, pinapasok ito ng suspek sa bahay at pinaglinis.
Ayon pa sa binatilyo, sa loob ng bahay ay inilabas ng suspek ang maselang bahagi ng katawan nito at minolestiya siya.
“Mayroon naman siyang anak, bakit ginawa niya sa anak ko yun. Diyos na ang bahala sa kanya," galit na pahayag ng ina ng biktima.
Nalaman ng mga awtoridad ang umano’y pangmomolestiya sa binatilyo nang ang suspek mismo ang nagdala sa biktima sa himpilan ng pulisya para isumbong na umaali-aligid sa lote na kanyang binabantayan.
Pero habang iniimbestigahan ang biktima, nadiskubre ng mga pulisya ang umano’y kahalayang ginawa ng suspek.
“Sinabi niya (biktima) na itong suspek nung ipinagawa sa kanya yung karumal-dumal na action eh walang brief. And it turned out na nung i-check natin itong suspek eh wala nga talagang brief," ayon kay P/Supt Marlon Tayaba, hepe ng San Carlos city police.
Hindi totoo
Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang akusasyon ng biktima laban sa kanya.
Paliwanag nito, sinita lang niya ang bata dahil maraming nang kahoy at bakal ang nawawala sa binabantayan niyang bahay.
Iginiit niya na hindi niya magagawang molestiyahin ang biktima dahil mayroon siyang pamilya.
Ipagkakatiwala ang biktima sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development para sumailalim sa counseling at physical exam. – Mike/Henry/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement