ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

27 pang Taiwanese na nahuli sa Davao City, na-deport na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Na-deport na ang natitirang Taiwanese nationals na nahuli sa Davao City noong Abril dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa isang international fraud syndicate. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing dakong 5:00 a.m. nitong Biyernes nang inihatid ng mga pulis sa Davao International Airport ang 27 Taiwanese. Kasama ng mga Taiwanese na bumiyahe patungong Taiwan ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration at pulis na magsisilbi nilang escort. Nauna nang naipa-deport nitong June 7 ang 44 na Taiwanese na kasamang nahuli ng mga pulis sa magkakahiwalay na operasyon noong Abril 19 sa Davao City. Ang mga Taiwanese ay inakusahang sangkot sa isang sindikato ng panloloko. (Basahin: Umano’y illegal call center sa Davao City, timbog; 78 Taiwanese, huli) Sa Taiwan na umano ipagpapatuloy ang pagdinig sa kanilang kaso. - FRJ, GMA News