GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Pia Guanio, pansamantalang nagpaalam na sa Eat Bulaga!

July 6, 2012 11:52pm

Tags: Pia Guanio
Dahil sa inaasahang panganganak sa susunod na buwan, pansamantalang nagpaalam na sa Eat Bulaga!, ang Kapuso host na si Pia Guanio nitong Biyernes.

Ngunit baka magbakasyon, isang surprise baby shower ang ibinigay sa kanya ng mga dabarkads na labis na ikinasaya ni Pia, ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News 24 Oras.

Iba’t ibang gamit at damit ang iniregalo ng mga dabarkads para sa baby ni Pia na papangalanang Scarlet.



Natutuwa si Pia dahil malaking tulong ang mga iniregalo sa kanila ng kanyang baby lalo pa’t wala pa raw siyang nabibiling gamit sa nursery.

Malaking adjustment daw ang kanyang gagawin para sa kanyang bagong role bilang mom.

Biro naman ni Joey De Leon, “Chiko Minute" ang ipangalan ni Pia sa susunod na baby nito kapag naging boy na hango sa Chika Minute segment ng 24 Oras news kung saan anchor ang Kapuso host. - FRJ, GMA News

Tags: Pia Guanio