GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Eat Bulaga! bulilit dabarkads na si Ryza Mae Dizon, nakipagkulitan kay Joey De Leon

July 7, 2012 7:34pm

Sa Startalk TX nitong Sabado, nagkaroon ng pambihirang panayam ang entertainment guru na si Joey De Leon sa bagong hirang na Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! na si Ryza Mae Dizon. Siya na nga ba ang susunod na Kapuso child wonder.

Bukod sa Eat Bulaga!, mapapanood na rin si Ryza Mea sa sitcom na pinagbibidahan ni Marian Rivera na Tweets For My Sweets.

Ayon mismo kay Joey, marami ang natutuwa sa pitong-taong gulang na si Ryza Mae dahil sa pagiging biba nito at masayahin.



Sa isang bahagi ng panayam, ipinakita ni Ryza Mae na hindi lang siya sa pagpapatawa mahusay kundi maging sa drama.

Samantala, ipinakita rin kay Ryza Mae ang mga larawan nina Marian, Bossing Vic Sotto, Pangulong Noynoy Aquino, at Lilia Cuntapay.

Dapat sana ay si Ryza Mae ang magbabato ng tanong sa nasabing mga personalidad pero si Joey ang nagdikta sa bata ng mga makukulit na katanungan.

At nang makita naman niya ang larawan ni Lilia na madalas na lumabas sa mga pelikula bilang aswang, halata ang pagkakabigla ng malusog na si Ryza Mae. - FRJ, GMA News
Go to comments