ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Donaire, binati ng Palasyo sa kanyang pagkapanalo vs Mathebula


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binati ng Malacañang nitong Linggo si Filipino boxing champ Nonito Donaire sa pagkapanalo niya sa super bantamweight unification bout laban kay Jeffrey Mathebula sa California. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, walang duda umano sa naging desisyon ng mga hurado pabor kay Donaire. “Congratulations kay "Filipino Flash" Nonito Donaire. Now he holds both belts,” ani Valte sa government-run dzRB radio. Ayon kay Valte, naging malinaw umano ang pagkapanalo ni Donaire, kumpara sa naging kontrobersyal na pagkatalo ni Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Emmanuel "Manny" Pacquiao sa laban nito kay Timothy Bradley noong nakaraang buwan. “Mukhang malinaw ang kanilang mata all in favor of Donaire,” aniya. Ayon sa Fightnews.com, natalo ni Donaire, na isang World Boxing Organization champ, si Mathebula upang mapanalunan ang South African fighter's International Boxing Federation belt. Ayon sa ulat, bumgasak si Mathebula dahil sa malakas na suntok ni Donaire sa Round 4, ngunit tumayo muli si ito at nanatili sa laban hanggang 11th round. Dagdag nito, maaari rin umanong nabsag ang panga ni Mathebula noong ika-11 round. Bumoto ang tatlong hurado pabor kay "Filipino Flash" sa mga markang: 117-110, 118-109, 119-108. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News