GMA News Online
Showbiz

'Pare & Pare' may mainit na sorpresa ngayon Linggo!

July 8, 2012 6:13pm
Ngayong Linggo ng gabi, hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ang walang humpay na katatawanan, kuwentuhan at kantahan sa comedy musical talk show na "Pare & Pare"!
 
Maanghang nilang pag-uusapan ang mga nasa balita ngayong Linggo, mula sa mga kapitan ng barko at mga idol sa basketbol, kasabay ng kantahan ng hit song na 'Domino'.
 
Da who naman ang uupo sa hot seat na explosive intrigera host at talent manager? 
Diretsahan kaya niyang sasagutin ang mga tanong nina Betch Francisco at Ray-Ki Lo tungkol sa mga scandal na kinasangkutan niya, mga pasaway niyang alagang aso at artista at ang kanyang love life? Abangan kung may mahaharbat ba si Manay Lolit Solis matapos ang kanyang interview!
 
Sa 'Masa Poll' naman, isang nakakalokang panukala ang pakikialalaman ng magkumpare para malaman kung ano ang sigaw ng bayan tungkol sa P8.00 coin na ilalabas daw para hindi na mahirap ang pagbabayad ng barya sa jeep.
 
At may bago pa silang papapsikat… ang 'Kuha Mo'. Tiyak, katatawanan ang resulta pag pinakita nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ang mga kuha nila ng mga tindahan na kakaiba ang pangalan.
 
May pahabol din silang mga tweets ng mga artista para maka-inspire sa parating na Linggo. Sino ang mga ito? Malalaman n’yo bago kantahin ng dalawang talented hosts ang hit song na 'Glad you Came'.
 
Samahan sina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa “Pare & Pare” ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng "Pinoy Adventures". — DVM, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus