GMA News Online Showbiz » Dolphy

Dolphy, gusto nang umuwi pero pinayuhang mananatili sa ospital

July 9, 2012 12:10pm
Gusto na raw ng Comedy King na si Dolphy na umuwi sa kanilang bahay ngunit pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na manatili sa ospital hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang kanyang karamdaman.
 
Tumutugon raw ang Hari ng Takilya tuwing tinatanong siya ng kanyang mga doktor kung nais na ba nitong umuwi sa kanyang bahay.

Bagama't responsive si Dolphy, hindi ito nakakapagsalita tuwing kinakausap siya ng kanyang mga pamilya at mga doktor.
 
Nitong Linggo, nagpaskil ng medical bulletin ang naturang ospital ukol sa kondisyon ni Dolphy. 

Sabi ng ospital, naging maganda ang resulta ng treatment para sa sakit na pneumonia ng Comedy King.
 

Ayon sa ulat ni Hadji Rieta sa "Unang Balita" nitong Lunes, ibinalita ng anak ni Dolphy na si Eric Quizon sa pamamagitan ng text message na gumaganda na ang kondisyon ng kanyang ama. 
 
Bumubuti na rin daw ang kalagayan ng vital organs ng Comedy King sa nakalipas na dalawang araw, ngunit nananatili pa rin na kritikal ang kanyang kondisyon kaya't hindi pa rin ito maaaring umuwi sa kanilang bahay.
 
Ukol sa pag-uwi ng kanyang ama, ipinahayag ni Eric sa "24 Oras" nitong Linggo, "It is still unadvisable, however, as he is still in critical but stable condition..."
 
Mahigpit pa rin ang seguridad sa naturang ospital at wala namang namamatahang mga bisita ng comedy king habang patuloy itong nagpapagaling sa Makati Medical Center para sa kanyang sakit ng pnuemonia at ilan pang mga komplikasyon sa katawan. 
 
Sa ngayon, wala pang ipinapahayag na update ang pamilya Quizon at pati na rin sa Makati Medical Center ukol sa kondisyon ng comedy king. - Mac Macapendeg, VVP, GMA News
 




advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement