ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga nais maging kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2012, rumampa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpatalbugan sa kagandahan at kaseksihan ang 45 babae mula sa Metro Manila na nais makasali sa Mutya ng Pilipinas 2012. Idinaos nitong Lunes, Hulyo 9, 2012, ang screening ng mga kalahok. Rumampa sila suot ang kanilang casual wear at swimsuits. Nagkaroon din ng question and answer portion, ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Martes. Ayon sa pamunuuan ng Mutya ng Pilipinas Incorporated, young and fresh Filipinas ang hinahanap nila upang maging opisyal na kandidata ng naturang beauty pageant. Ipinakilala rin ang tatlong magiging kandidata mula sa ibang lugar na sina Kylie Calaguas na mula sa Southern California, Reynalyn Yamanochi mula sa Japan, at si Emma tiglao mula sa Central Luzon. Tatlong titulo ang paglalaban sa Mutya ng Pilipinas. Ito ay ang Mutya ng Pilinas- Asia Pacific, Mutya ng Pilipinas- Tourism International, at Mutya ng Pilipinas- Overseas para sa mga kandidata mula sa ibang bansa. Sa Agosto 12 gaganapin ang coronation night at mapapanood ito sa GMA-7. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News