Pia Guanio at Steve Mago, naghahanda na sa pagdating ng kanilang baby
Makikita sa mga ngiti ng mag-asawang Pia Guanio at Steve Mago ang kanilang pagkasabik sa nalalapit na pagdating ng kanilang first baby.
Ayon sa mag-asawa, matagal na nilang pinaghahandaan ang pagdating ng kanilang unang baby na isang babae.
Masayang ikinuwento ng mag-asawa ang kanilang paghahanda sa ulat ni Nelson Canlas sa 'Balitanghali' nitong Lunes.
"Super research. Parang it's a new project talaga," ayon kay Pia.
Dagdag naman ni Steve, "Kahit ako meron ako sariling book. Meron kaming tag-iisang book na binabasa for the preparation for the baby."
Sa idinaos na intimate baby shower noong Sabado, dumating ang ilang malalapit na kamag-anak at mga kaibigan ng mag-asawa.
Kabilang sa mga dumalo sina Isabelle Daza na kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend, at isa sa mga big boss ng Eat Bulaga! na si Malou Choa Fagar.
Dumalo rin ang kasama ni Pia sa 24 Oras na si Mike Enriquez na kasama ang kanyang kabiyak na si Lizabeth.
'Scarlet Janine' ang ipapangalan ng mag-asawa sa kanilang baby girl.
Paliwanag ni Pia, ang Janine ay salitang French na ibig sabihin ay 'God is gracious'.
Nagbabawas na ng trabaho si Pia upang paghandaan ang kanyang panganganak sa ikalawang linggo ng Agosto.
Plano rin ni Pia na i-breast feed ang baby upang masigurado na healthy at mas maganda ang bonding nila ng kanyang unang baby. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement