ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nicki Minaj, sabik na raw mag-perform sa kanyang Pinoy fans


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Lots energy, lots of craziness and lots of wigs." Ito raw ang maaasahan ng Pinoy fans ng singer-rapper na si Nicki Minaj sa kanyang concert sa Miyerkules. Iniulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Martes, na dumating sa bansa si Nicki dakong 4:00 p.m. Kahit mahigpit ang seguridad sa airport, nagpaunlak siya ng panayam at magiliw na bumabati sa mga tao. Masaya raw si Nicki sa pagdating sa bansa sa unang pagkakataon. Sabik na nga raw siyang makapag-perform sa kanyang Pinoy fans. Tanging ang Pilipinas lang daw ang bansa sa Southeast Asia na kasama sa My Pink Friday World tour ni Nicki. - FRJimenez, GMA News

Tags: nickiminaj