GMA News Online
Showbiz

Diana Zubiri, inamin ang dahilan nang biglang pagkawala niya sa showbiz

July 11, 2012 8:19pm
Pinahanga kamakailan ni Diana Zubiri ang mga manunuri ng Young Critics Circle sa kanyang performance sa indie movie na Bahay Bata.

Sa husay ng kanyang pagganap, ipinagkaloob kay Diana ang parangal na Best Performance in a Lead Role.

Dahil sa dramatic showbiz comeback ni Diana, muling naungkat ang isyu tungkol sa biglaang pag-alis niya pansamantala sa limelight.

Sa pag-upo niya sa hot seat ng Don’t Lie to Me segment ng Showbiz Central noong Linggo, walang takot nitong hinarap at sinagot ang mga katanungan ni John Lapus.

Tanong: Ngayong undefeated at record holder ka sa FHM, sa tingin mo ikaw pa rin ba ang pinaka-sexy sa mga hanay ng FHM’s Finest this year?
Sagot ni Diana: Yes
Lie detector says: Truth

“Tingin ko kasi, ganda lang. At ‘di ko kailangan mangampanya para manalo. Wala pa kasing text noon, balota lang. Kaya sa tingin ko, ako pa rin ang panalo."

Tanong: Totoo bang nagwalk-out ka sa shooting ng pelikula mong Bahay Bata?
Sagot ni Diana: No
Lie detector says: Truth

“Hindi ko alam kung bakit may issue. Ang pagkakaalam ko lang, gusto nilang magre-shoot ng ilang sequences. Kaso, 'di na ako pwede noon, at medyo malayo ‘yong lugar."

Tanong: Nagpakasal ka ba kaya’t pansamantala kang nawala sa showbiz?
Sagot ni Diana: Yes
Lie detector says: Truth

“November 2008 nang magpakasal kami. Kaso nagkasakit siya kaya September 2010, nawala na siya. Kaya ayon, gusto kong magpasalamat sa mga taong nakaintindi ng sitwasyon ko noon at ang desisyon ko noon na maging private muna ‘yong nangyari sa akin. Ngayon, medyo okay na ako. Malungkot at maraming tanong, pero hanggang ngayon ay moving on pa rin."

Abangan ang pagbabalik ni Diana Zubiri sa GMA Network. -- GMANetwork.com
Go to comments