GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang
»
Dolphy

Wish Ko Lang

Si Miss World, LRT Baby at Comedy King sa 'Wish Ko Lang'

July 14, 2012 9:59am
WISH KO LANG
"LRT Baby," "Miss World" at "Comedy King"
Airing Date: July 14, 2012


Si Angel at ang kanyang sanggol na si Lilibeth

Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ni Baby Lilibeth at ang kanyang kakaibang kapanganakan!

Noong June 7, nagpasya ang buntis na si Angel na sumakay ng LRT papunta sana sa ospital upang manganak. 

Di pa man nakakaabot sa ospital, naipanganak na niya sa bandang Libertad Station ng LRT ang kanyang sanggol sa tulong ng isang nurse na nataon namang nakasakay rin sa tren.

Sa estasyon ng tren kung saan siya naipanganak hinango ang pangalan ni Baby Lilibeth.

Miss World 2012 Candidate No. 18 Rufaida Babudin

Matagumpay na nakapasok sa Top 12 ng Miss World Beauty Pageant si Rufaida Babudin. Sa lahat ng mga kandidata, ang kwento ng kanyang buhay ang marahil pinaka-kakaiba at nakakapukaw ng simpatya. 

Dati siyang mamimingwit ng isda at namasukan bilang isang kasambahay bago siya sumabak sa glamorosang patimpalak ng kagandahan. 

 
Ilang eksena mula sa Wish Ko Lang kung saan pinagbigyan ang isang Dolphy fan na makilala ang kanyang idolo

Tampok rin ang isang natatanging tribute para sa nag-iisang Hari ng Komedya.

Tunghayan ang mga kwentong ito ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, pagkatapos ng Startalk!

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Wish Ko Lang on Facebook
Wish Ko Lang on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement