ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars, nanguna sa online poll ng isang magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa katatapos lamang na online poll ng MEGA magazine para sa cover ng July issue nito, nanguna ang #TeamGMAonMEGA na kinabibilangan nina Alden Richards, Bela Padilla, Kris Bernal, at Sarah Labahti.
 
Out of the 778,840 votes na pumasok, nakakuha ng 405,007 votes (or 52%) ang #TeamGMAonMEGA habang 373,833 votes (or 48%) naman ang napunta sa #TeamABSCBNonMEGA. Tumagal ang botohan ng kalahating buwan.
 
Maituturing na close fight ang nangyaring botohan dahil naghahabulan ang votes ng dalawang bigating TV networks. Nanguna man ang #TeamABSCBNonMEGA sa unang linggo ng poll ay naungusan din sila ng #TeamGMAonMEGA dahil sa walang sawa na pagboto ng mga fan of “GMA’s new breed of rising talents.” 
 
Hindi rin naging hadlang sa mga voters ang naranasang technical difficulties noong huling linggo ng botohan, dahil na rin sa dami ng botong pumapasok.
 
Hindi pa diyan nagtatapos ang good news. As of last week, nangunguna rin sa sales ang #TeamGMAonMEGA version ng magazine. By August 1 ay maglalabas ng official sales results ang MEGA Magazine kung anong cover ang mas bumenta.
 
Show your support to #TeamGMAonMEGA and get a copy of the MEGA Magazine July issue featuring Alden Richards, Bela Padilla, Kris Bernal, at Sarah Labahti in newsstands and bookstores nationwide. — GMANetwork.com