SONA ni PNoy, dapat sumentro raw sa kung papaano palalaguin ang ekonomiya
Umaasa ang isang mataas ng opisyal ng Kamara de Representantes na ilalahad ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang mas malinaw na “roadmap" sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, sinabi ni House Majority Leader Rep. Neptali “Boyet" Gonzales II, na wala ng kailangan patunayan si Aquino pagdating sa usapin ng paglaban sa katiwalian.
Sinabi ng kongresista na naipakita na ni Aquino sa sambayanan ang kanyang matibay na paninindigan kontra sa katiwalian.
Kaya naman mas nararapat daw na ibuhos ngayon ng pamahalaan ang atensiyon sa pagpapalago ng ekonomiya na mas “malapit sa sikmura ng mga mamamayan."
Sa nakaraang mga SONA, ilang ulit nabigyan ng pansin sa atensiyon ng pangulo ang usapin sa paglaban sa katiwalian at mga alegasyon ng korupsiyon laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga dati nitong opisyal.
Kamara, magiging abala
Ayon kay Gonzales, sisikapin ng liderato ng Kamara na pagtibayin sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ang Anti-Trust law at panukalang batas na lilikha sa Department of Housing.
Kasama rin umano sa listahan ng mga prayoridad na panukalang batas Reproductive Health bill at Magna Carta of the Poor.
Asahan din na magiging abala ang Kamara sa pagtalakay sa P2.006 trilyong pambansang budget na hinihingi ng pamahalaan para sa 2013.
Kumpiyansa si Gonzales na maaaprubahan nila ang panukalang budget sa kalagitnaan ng Oktubre para maipadala ito sa Senado, upang doon naman himayin.
Aminado rin ang kongresista na malabong makapasa ang planong amyendahan ang Saligang Batas kung hindi ito susuportahan ng pangulo.
“Politically speaking, if you don’t have the support of the President who has a high trust and approval ratings, it would be difficult," aniya. “Without President’s support, it will be slow and very little steps." - RP/FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement