ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Claudine Barretto, nabastusan daw sa tingin ng isang babaeng kasama ng kampo ni Mon Tulfo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagbigay ng mag-asawang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago ng joint affidavit sa Pasay City Prosecutor's Office noong Martes, ini-reklamo ng aktres ang isang babae mula sa kampo ng kolumnistang si Mon Tulfo dahil sa di-umanong masamang pagtitig sa kanya.
Ayon kay Claudine sa report ng Chika Minute sa 24 Oras, "Kung nandoon lang siya para mangutya, umalis nalang siya [at] 'wag na lang siya magpakita. Hindi kami nandito para makipag-away. Nandito kami para ayusin 'yong mga dapat ayusin. At sana ma-settle na ito for peace."
Giit naman ng babaeng kasama ng kampo ni Tulfo, "Hindi po ako taga-showbiz and I am a very private person. If I'll stare at that wall, and say something, hindi ko alam kung anong gusto niya sa buhay."
Samantala, hiniling ng mag-asawa sa kanilang joint affidavit na masubpina ang writer na si Patricia Evangelista mula sa news website na Rappler upang suportahan ang kanilang reklamo laban sa kolumnista.
Ayon kay Atty. Ronald Ubana, abugado nina Claudine at Raymart, "Wala siyang [Mon Tulfo] liability, eh. Tapos hindi raw innate sa kanya ang maging bayolente. Dito sa reply affidavit natin, talagang ipinapakita natin na bayolente siya. And in fact, inamin niya 'yon sa mga interviews niya sa Rappler."
Gayunpaman, ito naman ay tinutulan ng kampo ni Tulfo.
Wika pa ni Atty. Jovito Barte, "Ang sinabi lang ni Mr. Tulfo doon na n'ong pilit kuhanin ni Mr. Raymart Santiago ang kanyang cellphone, pi-nush niya si Mr. Santiago. So, iba 'yon sa sinasabi nila na in-open fist punch [si Raymart]."
Wala si Tulfo sa naturang hearing. Tanging si Barte lamang and dumalo roon. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular