ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palasyo: PHL, handa na sa nakamamatay na Enterovirus-71 na sakit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Handa na umano ang gobyerno sakali man dumating ang nakamamatay na sakit na Enterovirus-71 sa Pilipinas, ayon sa Malacañang nitong Miyerkules. “I think the Department of Health is prepared,” ani presidential spokesperson Edwin Lacierda sa isang press briefing. “We are taking necessary precautions for that. The DOH has already alerted all hospitals kung sakaling may report ng suspected cases, pero so far wala pa tayong naririnig na ganoon,” dagdag niya. Ayon sa kanya, sakali man makarating ang EV-71 sa bansa, "we are equipped and ready to treat it." Nakamamatay na uri ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) ang EV-71). Sa kasalakuyang, mahigit 56 na mga bata sa Cambodia ang namatay dahil sa nasabing sakit. Nauna nang inihayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte nitong Miyerkules na kasalakuyan nang ipinatutupad ng mga opisyal sa mga paliparan ng bansa ang ilang patakaran upang mabantayan ang mga taong papasok sa bansa na kontiminado sa nasabing virus. Nitong Martes, dalawang mga bata ang napag-alamang positibo sa enterovirus, ngunit ikukumpirma pa lamang ito ng DOH kung ito ay ang nakamamatay na EV-71. “Mahigpit ang pagbabantay ng ating mga awtoridad sa mga paliparan,” ani Valte. Dagdag nito, nilinaw niyang hindi nagmula sa ibang bansa ang dalawang enterovirus na kaso ngayon sa bansa. “Ang dalawang kaso ng HFMD na ibinalita ng DOH kahapon ay parehong local cases at walang history of travel,” aniya. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News