ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga retirado sa Iloilo, suportado ang mungkahing itaas ang pensyon mula sa SSS
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang pensioners sa Iloilo City ang nagpakita ng suporta sa panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso na naglalayong itaas ang pensiyon na natatanggap ng mga retiradong miyembro ng Social Security System. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing inirereklamo ng retirado na hindi sapat ang nakukuha nilang pensiyon na umaabot lamang ng P1,200 hanggang P2,400 kada buwan. Sa ilalim ng panukalang batas na inihain sa Kamara de Representante, iminungkahing gawing P7,000 ang minimum pension na ibibigay sa mga retiradong SSS member. Kailangan daw na itaas ang pensiyon para matustusan ang pangangailangan ng mga retirado. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular