GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Mga kandidata sa Mutya ng Pilipinas, ipinakilala na

July 19, 2012 3:47pm
30 beauties to vie for 2012 Mutya crown
30 beauties to vie for 2012 Mutya crown. 2012 Mutya ng Pilipinas pageant bets are presented on Wednesday at the Midas Hotel. They will vie for this year's crown which will be telecast live over GMA 7 on August 12. Danny Pata
Suot ang kanilang two-piece floral bikini, iprinisenta na sa press people nitong Miyerkules ang 30 kalahok para sa 2012 Mutya ng Pilipinas na ginanap sa Midas Hotel sa Pasay City.

Sa naturang beauty pageant, apat na titulo ang paglalaban ng mga naggagandahang dilag. Ito ay ang Mutya ng Pilipinas- Asia Pacific, Mutya ng Pilipinas- Tourism International, Mutya ng Pilipinas- Tourism Queen of the Year, at Mutya ng Pilipinas- Intercontinental.

Sa isinagawang press presentation, nagbigay na rin ang mga organizers ng special awards, ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Miyerkules.

Ginawaran ng Mutya ng Sheridan Resort at Mutya ng Lito Sy Photography ang kandidatang mula sa Southern California na si Kaylee Calaguas.

Bukod dito, nanalo rin ang kandidatang mula sa Isabela na si Johanna Datul bilang Mutya Press Favorite.

Nagpakitang gilas din sa pagkanta ang dalawang kandidata na nagpahayag ng interes na pasukin ang showbizness.

Samantala, sa 30 kandidata, siyam ang galing sa Filipino community na nagmula sa mga bansang Japan, USA, at Canada.

Ipinagmalaki naman ni candidate No. 14 na si Regine Semira na mayroon silang GMA Pinoy TV sa Canada at gusto rin niyang maging news anchor balang araw.

Sa mga napapanood sa telebisyon ang Chika Minute host na si Pia Guanio umano ang kanyang paborito dahil sa kagandahan nito at mahusay na style ng pananamit.

Gaganapin ang coronation night ng Mutya ng Pilipinas sa UP Theather sa August 12, at mapapanood ito sa GMA-7. -- Mac Macapendeg/ FRJ, GMA News


advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement