Sisindihan na ang AHA-poy ng AHALYMPICS ngayong Linggo
Sa darating na July 27, piyesta na naman para sa mga atleta sa buong mundo dahil sisindihan na ang sagradong apoy na hudyat ng simula ng London 2012 Summer Olympics! At sino ang nagsabi na sa London lang ninyo masasaksihan ang grand opening? Meron din niyan dito! Sisindihan na ni Drew Arellano ang AHApoy dahil simula na ng AHALYMPICS ngayong Linggo ng umaga!
Nagtataka ba kayo kung bakit kailangang may sulo na pinagpapasapasahan ng iba’t-ibang tao tuwing gaganapin ang Olympics? Higit pa sa kasaysayan, mas maiinit na stories and discoveries pa ang hatid ni Drew tungkol sa Olympic torch na ito.
Animo’y mga sirkero kung makagalaw ang mga gymnast, matutuling takbo at matinding puwersa sa paghagis ng javelin itong mga javelin thrower! Ano nga ba ang sikreto sa likod ng kanilang galing? Pagkakataon n’yo na maging Olympian dahil, kasama si Ka-AHAng Jace Flores, ituturo mismo ng mga eksperto ang Science behind these sports!
Siyempre di rin papatalo ang ating walang mintis na AHAlympian Drew d’yan! Ang target n’ya ay maging Trap shooter ala-Jethro Dionisio na naging pambato natin sa Olympics sa larangang ito!
Eeksena rin si sporty Boobai para kilatisin, suriin at biyakin ang ating favorite bouncing ball at alamin kung “bakit nga ba tumatalbog ang bola?” Ano nga ba ang nilalaman nito sa loob at paano ito ginagawa? AHAbangan!
Di na kailangan ng passport dahil front seats kayo dito sa AHALYMPICS ngayong Linggo ng umaga!
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
| Aha on Facebook | |
| @AHA_GMA7 | Aha on Twitter |
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement



