GMA News Online
Showbiz

Marian Rivera tampok sa Tunay Na Buhay ng GMA-7

July 20, 2012 8:40pm



“Marimar," “Darna," “Dyesebel," “Amaya"—ilan lamang iyan sa mga hindi malilimutang karakter sa mga telefantasya sa telebisyon. At sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa nag-iisang Marian Rivera.

Tubong Cavite ang half-Spanish half-Filipino na si Marian. Isa sa pinakamaningning na bituin ngayon sa mundo ng showbiz industry.

Sa isang natatanging pagkakataon, tunghayan ang one-on-one interview ni Rhea Santos kay Marian sa Tunay Na Buhay. Dito ay ikukuwento ng Kapuso Primetime Queen ang naiibang side ng kanyang buhay na hindi pa halos naisisiwalat sa publiko.

Papaano nga ba nagsimula ang isang Marian Rivera? Anu-ano ang kanyang mga pinagdaanang hirap para unti-unti niyang matupad ang kanyang mga pangarap?

Abangan ang una ring pagkakataong makapasok ang bahay na kinalakhan ni Marian sa Cavite, at ang kauna-unahang interview ng kanyang nanay at lola.

Ano-ano na rin ba ang mga investment ni Marian na naipundar niya mula sa pag-aartista?

Ngayong Sabado ng gabi, kilalanin nang lubusan ang nag-iisang phenomenal star ng Kapuso Network sa Tunay Na Buhay kasama si Rhea Santos, pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7. – GMANetwork.com




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement