Looking for the 2013 Election Results in Pangasinan? ▶
Agaw-pansin ang kakaibang eco-friendly na bahay sa Pangasinan
Isang bahay sa San Jacinto, Pangasinan ang nakakakuha ng atensiyon ng mga tao dahil sa kakaibang itsura at hugis nito na mistulang beehive.
Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, ipinakita ng mag-asawang Mark at Estrella Cunningham, ang ubod nang tibay na bahay nila.
Sinadya raw ang kakaibang disensyo ng bahay para maging matibay ito ay hindi madaling mapinsala ng bagyo.
Ang bahay ay gawa umano sa pinaghalong putik, buhangin at semento na hinaluan ng calcium oxide. Bukod sa presko at maginhawa sa loob ng bahay, hindi rin daw maririnig sa loob ng bahay ang ulan at kulog sa labas.
Bukod dito, solar energy ang nagbibigay ng kuryente sa bahay. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement