GMA News Online Showbiz

Pinakabagong Kapuso showbiz talk show na HOT TV, ngayong Agosto na

July 22, 2012 12:53pm
Ngayong Agosto 5, magsisimula na ang pinaka-mainit at kakaibang showbiz talk show at magazine show na  HOT TV ng GMA-7 na tunay na magpapabago sa Sunday afternoon viewing habit ng mga Kapuso.

Ayon sa StarTalk noong Sabado, pagbibidahan nina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, Jennylyn Mercado, at Regine Velasquez-Alcasid ang naturang talk show, bilang mga host.



Ayon kay Regine, "Actually one of the reasons why I accepted the show is becasue I know na masmalaki  'yong scope noong show. Hindi lang tayo [sa] showbiz. Marami na tayong ipe-feature pa na mga personalities. Plus, medyo may konting pagka-magazine show na rin."

Gayundin, masaya naman ang isa sa mga host ng palabas na si Jennylyn Mercado dahil makakasama niya ang Asia's Songbird sa kakaibang palabas.

Aniya, "Masaya siyempre. Kasi si Ate Reg [Regine] nakakasama ko dati sa Party Pilipinas, sa SOP. Ngayon, makakasama ko na siya ng mas intimate. Excited ako kasi magkakaroon kami ng time na makapag-usap."

Maliban dito, panibagong challenge naman ang HOT TV para kay Jennylyn dahil  kailangan daw nitong mas maging curious sa mga issue ng palabas at mag-research sa mga intrigang pag-uusapan.

Samantala, panibagong pagsubok naman daw ang palabas na HOT TV para kay Raymond Gutierrez, ngunit naniniwala siyang makakatulong ito na mas-galingan pa ang kanyang pagho-host.

Wika pa niya,  "Hindi lang puro tsismis at kilig. Iba talaga pati real life, hindi ordinaryong topics 'yong mga usapan dito. That's nice [thing] about this show. Very open din 'yong staff sa suggestions ng mga host nila."

Bukod sa mga kawili-wiling mga paksa na featured sa palabas, excited na rin ang mga host sa batuhan ng opinyon sa iba't-ibang issues.

Ayon pa kay Regine, "Nae-excite ako, 'yong [sa] mga opinyon ng isa't-isa. Iba 'yong tingin namin sa bawat issue, kumbaga. So, medyo exciting 'yon kasi malalaman nila kung ano ang mga saloobin namin."

Dagdag naman ni Roderick Paulate, kakaibang showbiz talk show ang matutunghayan sa HOT TV.

Gayundin, May kanya-kanyang portions kami, may mga bagay na ipaliliwanag ko sa tao na hindi nalalaman. Meron din dito na kina-kailangang umalis ako at pumunta sa lugar na iyon para ipaliwanag sa tao. Very educational at the same time, alam mo na mamamangha sila [mga manonood]. Mac Macapendeg /LBG, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement