ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Oil price hike, maaaring ipatupad sa pangatlong magkasunod na linggo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maaaring haharap na naman, sa pangatlong magkakasunod na linggo, ang mga motorista at mga mamimili ng panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ayong sa isang opisyal ng Department of Energy nitong Linggo. Sa panayam ng radio dzBB, sinabi rin ni DOE-Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada na maaaring ang dahilan ng nakaambang price hike ay ang  kaguluhan sa Syria at Iran. Ayon kay Monsada, naapektuhan ng kaguluhan ang presyo ng langis sa world market. Kung matutuloy ang pagtaas ng presyo sa linggong ito, maaaring maging P1.36 per liter na ang presyo ng gasolina, at 75 centavos naman per liter ang diesel, ayon kay Monsada. Hindi pa niya isinaad kung anong araw magaganap ang pagtaas ng presyo. Nitong unang bahagi ng buwan, nagpatupad ng price hike ang ilang oil firms, matapos ang 12-linggo ng pag-roll back ng presyo ng kanilang mga produckto. Dahil sa mga isinagawang rollback simula pa noong Abril, nagsagawa na rin ng rollback sa singil ng mga pampasaherong jeep, kung saan nabawasan ng P0.50 ang P8 na singil. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News

Tags: oipricehike,