Mga kalsada sa 5 lugar sa Luzon 'di madadaanan dahil sa baha
Bagaman nakaalis na ng bansa, nag-iwan pa rin si Bagyong Ferdie ng mga kalsadang hindi madadaanan ng mga motorista sa Luzon.
Ayon sa pinakhuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sarado pa rin sa trapiko ang ilang mga kalsada sa limang lugar sa Luzon.
Kabilang dito ang dalawang lugar sa Rizal, at tig-iisa sa Metro Manila, Ilocos Sur at Occidental Mindoro.
Sabi ng NDRRMC, sarado ang mga nasabing kalsada ng huli nilang inspeksyunin nang alas-7 ng gabi ng Sabado. Ang mga kalsadang ito ay:
Sa huling datos ng NDRRMC, tinatayang nasa 227 pamilya na o 1,135 na katao ang naapektuhan ng bagyong Ferdie sa Luzon nitong mga nakaraang mga araw.
Sa bilang na ito, 185 na pamilya o 925 na tao ang inilikas mula sa Rodriguez, Rizal. Ang iba naman ay galing sa Antipolo City sa Rizal at sa Ternate sa Cavite.
Nananatili sa dalawa ang namatay at anim ang nawawala dulot ng pagbayo ni Ferdie sa Luzon. — LBG, GMA News

- La Paz, Makati City, kasama na ang Pasong Tirad, Mola at Cerveza Streets
- Junction ng Banayoyo-Lidlida-San Emilio-Quirino Road sa Ilocos Sur
- V.V. Soliven Avenue sa Mayamot village sa Antipolo City
- Town proper sa San Isidro village sa Taytay, Rizal
- National road sa Banahan village sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro
- Junction ng Banayoyo-Lidlida-San Emilio-Quirino Road sa Ilocos Sur
- V.V. Soliven Avenue sa Mayamot village sa Antipolo City
- Town proper sa San Isidro village sa Taytay, Rizal
- National road sa Banahan village sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro
Sa huling datos ng NDRRMC, tinatayang nasa 227 pamilya na o 1,135 na katao ang naapektuhan ng bagyong Ferdie sa Luzon nitong mga nakaraang mga araw.
Sa bilang na ito, 185 na pamilya o 925 na tao ang inilikas mula sa Rodriguez, Rizal. Ang iba naman ay galing sa Antipolo City sa Rizal at sa Ternate sa Cavite.
Nananatili sa dalawa ang namatay at anim ang nawawala dulot ng pagbayo ni Ferdie sa Luzon. — LBG, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement