ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kolumnista, nabaril at nanakawan sa Laguna


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa gitna ng pag-ulan, binaril ng isang hindi pa kinikilalang lalaki ang kolumnistang si Nixon Kua at ninakaw ang bag ng kanyang anak na may lamang P90,000 sa isang subdivision sa Calamba City sa Laguna nitong Sabado ng gabi.
 
Ayon kay Laguna police chief Senior Superintendent Gilbert Cruz, maaari umanong inside job ang naganap, sapagkat alam umano ng mga suspek na may dalang pera si Kua, 49, sa lugar na iyon.
 
"Nangyari ito 8 p.m. Saturday. Medyo malakas ang ulan. Naroon siya, dumating siya biglang may nag-rush sa kanya apat na tao, agad e pinutukan si Nixon Kua. Ang isa kinuha ang bag na naglalaman ng P90,000 na diumano pasweldo sa taong nagtatrabaho sa bahay nila," ani Cruz sa panayam ng dzBB radio.
 
Ayonsa kanya, nagtalaga na ang Laguna provincial government ng P100,000 pabuya kapalit ang impormasyong makatutulong sa pagdakip sa maysala.
 
Binuo na rin ng provincial police ang "Task Force Nixon" na nakatalagang mag-iimbestiga sa kaso, dagdag niya.
 
Nitong Longgo, ayon kay Cruz, inilipat na sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital si Kua. Hindi na niya tinukoy ang nasabing ospital. Dagdag niya, kasalakuyang nasa kritikal na kondisyon pa ang biktima.
 
“Opo, under observation siya," aniya.
 
Sa inisyal na mga ulat, ayon kay Cruz, sugatan din ang kapatid ni Kua, na si Allyxon, 46, ngunit hindi kasing-seryoso sa natamo ng kanyang nakatatandang kapatid.
 
Nabaril sa mukha at sa ibang parte ng kanyang katawan si Nixon. Natamaan din ang iba't ibang bahagi ng katawan ni Allyxon.
 
Umabot naman ng P90,000 ang nanakaw ng isa sa mga suspek mula sa anak ni Nixon na si Sue Anne, 21. Nanakaw rin ang kanyang iPhone.
 
Ayon kay Cruz, mahigpit ang seguridad sa Greenfield Estate, isang eksklusibong subdivision kung saan naganap ang insidente.
 
“Tinitingnan namin dito baka na-casing 'yan at alam na magpapasweldo siya at darating siya. Ang subdivision 'di basta-basta pasukin ng kahit sino," aniya.
 
Ayon kay Cruz, nakakuha na sila ng ilang testamento mula sa mga testigo, kabilang na ang miyembro ng pamilya.
 
Kasalakuyang mayroong kolum si Kua sa Pilipino Star Ngayon, ang tabloid publication ng The Philippine Star. — Mandy Fernandez/DVM, GMA News