ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Brigada: Mga Anghel ng Kiamba, Dennis Rodman is my Son, at Gimik sa SONA
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mga Anghel ng Kiamba
Isang misteryosong puno sa bayan ng Kiamba sa Sarangani ang tinungo ni Jennifer Solis ng GMA GenSan. Ang mga nakabitin dito hindi mga higanteng bunga kundi mga labi ng mga namatay na bata! Alinsunod ito sa tradisyon ng mga T'boli sa Kiamba sa paniniwalang ang mga namatay na sanggol malinis pa't walang kasalanan at hindi dapat ibaon sa maruming lupa. Ngunit anong panganib naman ang hatid nito sa kanilang kalusugan? Dennis Rodman is my Son
Unang napanood sa programang Brigada Siete noong 1996 si Philander Rodman na nagpakilalang ama raw ng NBA superstar na si Dennis Rodman. Pero ang "Bad Boy" ng Chicago Bulls, halos itatwa si Philander dahil inabandona raw sila nito noong siya'y bata pa. Ngunit sa muling pagtapak ni Dennis Rodman sa bansa nitong nakaraang linggo, tila nangibabaw na ang pagtanggap at pagpapatawad. Tinutukan ni JP Soriano ang madamdaming kuwento ng mag-amang Rodman. Gimik sa SONA 
Isang misteryosong puno sa bayan ng Kiamba sa Sarangani ang tinungo ni Jennifer Solis ng GMA GenSan. Ang mga nakabitin dito hindi mga higanteng bunga kundi mga labi ng mga namatay na bata! Alinsunod ito sa tradisyon ng mga T'boli sa Kiamba sa paniniwalang ang mga namatay na sanggol malinis pa't walang kasalanan at hindi dapat ibaon sa maruming lupa. Ngunit anong panganib naman ang hatid nito sa kanilang kalusugan? Dennis Rodman is my Son 

Tuwing SONA o State of the Nation Address ng Pangulo hindi nawawala ang kaliwa't kanang mga kilos protesta. At para mas mapansin at marinig daw ng gobyerno ang mga militante, ang kanilang pagpoprotesta sinasabayan nila ito ng kung anu-anong gimik! Inalam ni Tricia Zafra kung epektibo nga ba ang mga ito para maipahayag ang kanilang mga hinaing.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
More Videos
Most Popular