ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga suspek sa pagbaril sa isang kolumnista sa Laguna, natukoy na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasalakuyan nang pinaghahanap ng mga pulis ang tatlong suspek sa pamamaril at pagnanakaw sa kolumnistang si Nixon Kua sa isang eksklusibong subdivision sa Calamba City sa Laguna noong Sabado ng gabi. Ayon kay Senior Supt. Gilbert Cruz ng Laguna Police District, itinuturing na umanong suspek sina John Rey Cortez, Darwin Samiano, at Noel Garcia, na kasalakuyan nang pinaghahanap. Sa gitna ng patuloy na pag-ulan noong Sabado, binaril si Kua at ninakaw ang bag ng kanyang anak na si Sue Anne, 21, na may lamang P90,000. Nanakaw din ang kanyang iPhone. Si Kua ay dati ring hepe ng Philippine Tourism Authority. Sa hiwalay panayam, inihayag ni Region 4-A police director Chief Superintendent James Melad na kasalakuyang nasa loob pa rin ng Intensive Care Unit (ICU) si Nixon dahil sa mga tama ng bala sa kanyang sa mukha at sa ibang parte ang kanyang katawan. Natamaan din ang ibang bahagi ng katawan ng kapatid ni Nixon na si Allyxon, ngunit maayos na ang kanyang kalagayan, dagdag pa niya. Nauna nang inihayag ni Cruz na maaari umanong inside job ang naganap sapagkat alam umano ng mga suspek na may dalang pera si Kua. "Nangyari ito 8 p.m. Saturday. Medyo malakas ang ulan. Naroon siya, dumating siya biglang may nag-rush sa kanya apat na tao, agad e pinutukan si Kua. Ang isa kinuha ang bag na naglalaman ng P90,000 na diumano pasweldo sa taong nagtatrabaho sa bahay nila," ani Cruz sa panayam ng dzBB radio noong Linggo. Samantala, sinabi ni Melad na itinaas na sa P200,000 ang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyong makatutulong sa pagdakip sa maysala. Dagdag niya, wala umanong kaugnayan ang trabaho ni Kua bilang kolumnista sa isang pahayagan at ang pagiging negosyante niya sa naganap na insidente. "Malayo naman yun, pinag-interesan nila yung 90 thousand plus iphone," aniya. "'Yung kwintas nga nung babae hindi mo iyon makikita kapag nakasuot pero hinanap pa nila doon sa biktima; alam nila na may suot ng kiwntas," dagdag niya. — may kasamang ulat ni Mandy Fernandez /LBG, GMA News