Sa kanyang SONA, hiniling ni Aquino sa China na respetuhin ang soberaniya ng PHL
Sa kanyang State of the Nation Address nitong Lunes, hiniling ni Pangulong Benigno Aquino III sa China na respetuhin ang soberaniya at karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang Panatag (Scarborough) Shoal.
Ayon kay Aquino, pinangangasiwaan na ng kanyang administrasyon ang territorial dispute kasama ang China "with utmost calm," ngunit hiniling niya sa gobyerno ng China na huwag panghimasukan ang teritoryo ng Pilipinas.
“Hindi naman po siguro kalabisan na hilingin sa kabilang panig na galangin ang ating karapatan, gaya ng paggalang natin sa kanilang mga karapatan bilang kapwa bansang nasa iisang mundong kailangang pagsaluhan,” ani Aquino sa kanyang talumpati.
Ayon sa Pangulo, pananatalihin ng Pilipinas ang karapatan nito sa Panatag Shoal.
“Kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan, papayag ba kayo? Hindi naman po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga," kanyang inihayag.
Hiniling din ni Aquino sa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa karapatan ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.
Mahigit tatlong buwan na ang alitan sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinag-aagawang Panatag Shoal sa West Philippine Sea.
Ginagamit ng Pilipinas ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang ipagtibay ang pag-angkin nito sa shoal, habang historical claims naman ang ginagamit ng China.
Apat na araw bago ang SONA, pinayuhan ni Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Aquino na iwasang magsalita tungkol sa territorial dispute ng bansa sa China dahil sa Panatag Shoal.
“If I were the President, I wouldn’t touch on it [Panatag Shoal issue] in my SONA. That’s a sensitive national security problem… Don’t talk about a problem that your enemy has an interest on," ani Enrile. — Mandy Fernandez/DVM, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement







