Ilang lugar sa Pangasinan, nalubog sa baha
Lubog ngayon sa baha ang ilang lugar sa Pangasinan dahil sa malakas na pag-ulan, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV.
Ayon kay GMA News reporter CJ Torida, hanggang baywang ang tubig sa Brgy. Talibaew sa bayan ng Calasiao nang umapaw ang isang ilog doon.
Dahil sa malalim na tubig, kanya-kanyang diskarte ang may 300 pamilyang residente para maipagpatuloy ang kanilang normal na pamumuhay.
Ayon kay Brgy Capt. Elias Villanueva, nagsisilbing saluhan ng baha ang kanilang barangay kaya karaniwang problema nila ang baha tuwing umuulan.
Lumubog din sa tubig ang Brgy Guiguilonen sa bayan ng Mangaldan. Malaking bahagi rin ng palayan ang naapektuhan.
Puna ng ilang residente, ngayon lang umano naging matagal ang paghupa ng baha sa kanilang lugar. -- FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement