Kabute, sinusubukang patubuin sa reject na perang papel sa Dagupan City
Hinahanapan ng ibang paggagamitan sa Dagupan City, Pangasinan ang mga pira-pirasong reject na perang papel na itinapon na galing sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Isa sa nakikitang posibleng paggamitan ng mga itinapong pera ay gamitin ito para magpatubo ng mushroom o kabute na ginagawa ngayon ng Solid Waste Management Division (WMD) ng Dagupan.
Ayon kay Teddy Villamil, head ng WMD, may ilan daw na namumulot ng basura sa dumpsite ang nakadiskubre ng kabute na tumubo mula sa mga reject na perang papel.
Isa sa nakakain na sa nasabing kabute ay ang security guard na si Leonardo dela Cruz.
Wala naman umanong masamang naramdaman ang guwardiya nang kainin ang kabute.
Bukod sa itinapong reject na perang papel, sinusubukan din ng WMD na magpatubo ng kabute sa ibang paraan tulad ng paglalagay sa ibang puno gaya ng Ipil-ipil, at maging sa dahon ng umbrella tree.
Ayon kay Villamin, nakikipag-ugnayan na rin sila sa BSP para masuri ang kemikal sa mga itinapong pera. Ito ay para matiyak kung ligtas na kainin ang mga kabute na pinatubo sa ibinasurang peral.
Samantala, nagbigay naman ng paalala sa publiko si Dr. Jess Canto, chairman, committee on health and sanitation, Dagupan city, na mag-ingat sa pagkain ng kabute dahil tumutubo ito sa iba’t ibang lugar.
Kung may nakalalasong kemikal umano ang lugar na pinagtubuan ng kabute, posibleng maisalin dito ang kemikal. -- SMFinuliar/GLCalicdan/FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement