GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Dagdag na pondo para sa 2013 elections, maaari raw kunin ng Comelec sa savings ng ahensiya

July 25, 2012 11:20pm
Sa gitna ng pagkabahala ng Commission on Elections (Comelec) sa kakulangan ng pondo, inihayag ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda na sapat ang 'savings' ng ahensya upang maayos na isagawa ang eleksyon sa susunod na taon.

“I think Comelec should look into their savings," ani Lacierda sa isang press briefing sa Palasyo nitong Miyerkules. “I think they have substantial savings in their budget."

Ayon sa opisyal, nakausap niya si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad, at tiniyak nito na may sapat na natatabi ang Comelec para maisagawa ang computerized elections sa 2013.

Una rito, inirereklamo ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang ibinigay sa kanila ng DBM na P8.3 bilyon pondo para sa 2013, malayo sa orihinal nilang hinihingi na P24 bilyon.

Pangamba ni Brillantes, baka bumalik sa mano-mano ang halalan sa 2013 kung hindi maibibigay ang karagdagang pondo na kanilang hinihingi.

Kung babalik umano sa mano-mano ang sistema ng halalan sa susunod na taon, mas nanaisin daw ni Brillantes na magbitiw na lamang.

Ayon kay Lacierda, maaaring ihayag ni Brillantes ang kanyang pag-aalala sa isasagawang budget presentation sa Kongreso.

“Maybe [Brillantes] can justify the need for a budget increase," ani Lacierda. “But, as far as Secretary Butch Abad is concerned, he mentioned that there are savings in Comelec that they can tap." -- Mandy Fernandez/ FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement