GMA News Online
Showbiz

P15-M ang papremyo: Sumali at manalo sa 'Kapuso Milyonaryo' ng GMA Network

July 26, 2012 8:05pm
 


Magbibigay ng mahigit sa P15 milyong worth ng cash prizes ang GMA Network sa pinakabago at pinakamalaking campaign promo na "Kapuso Milyonaryo."

Ang promo period ay tatagal mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 23 kung saan 11 Kapuso viewers ang maaaring manalo ng tig-P1 milyon.

Sa loob ng walong linggong promo, magbibigay ang Kapuso Milyonaryo ng tig-P1 milyon sa apat na masuwerteng mapipili. Bukod dito, magbibigay ng tig-P10,000 para sa 35 weekly winners sa mga ipapalabas na plugs sa GMA 7 at GMA News TV (GNTV).

Maliban sa apat na mananalo ng tig-P1 milyon ng GMA, mayroon pang pitong mananalo ng tig-P1 milyon na pipiliin ng mga katuwang na sponsors.

Ang pitong mananalo ay malalaman sa finale na gagawin sa September 29 sa Manny Many Prizes.

“This is the first time that GMA is giving away this much after launching many successful promo campaigns. We are very excited to share our success with our loyal viewers since we owe it to them that we’re the number 1 station in the country," ayon kay Vice-President of Sales Riza D. Garduque, GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI).

Kabalikat ng GMPI upang magkaroon ng katuparan ang naturang promo ang GLOBE PREPAID, REBISCO CRACKERS, NESCAFÉ 3in1, NESTEA ICED TEA, BEAR BRAND BUSOG LUSOG FAMILY CEREAL DRINK, YAKULT PROBIOTIC DRINK, at CRISPY FRY BREADING MIX.

Upang makasali, kailangan lamang mangolekta ng mga proof of purchase (POP) requirements ang mga manonood; i-enclose ito sa isang envelope at ilagay ang pangalan, address, edad, contact number, at lagda na nakasulat sa hiwalay na papel.

Sa likod ng envelope, isulat ang 'Kapuso Milyonaryo', ang brand ng enclosed POP, at ang inyong tirahan. Ang iba pang karagdagang mechanics sa pagpapadala sa mga electronic entries ay mapapanood sa daily plugs sa GMA at GNTV mula sa iba't-ibang Kapuso stars.

Maaaring magpadala ng entries hanggang Setyembre 23 sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio stations, o sa mga Mercury Drugstore branches nationwide as per DTI-NCR permit no. 4687, series of 2012.

Take your chance at being a Kapuso Milyonaryo! Para sa iba pang mga detalye sa pagsali, manood ng Kapuso Milyonaryo mechanics plug at solo POP plugs ng mga sponsor. See poster or visit www.gmanetwork.com/kapusomilyonaryo. -- GMANetwork.com



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus