GMA News Online Ulat Filipino » Davao » Olympics 2012

Philippine Olympic boxer Barriga, dasal ang pabaon mula sa pamilya

July 28, 2012 2:57pm
Filipino Olympians at the opening parade of the London Games
Filipino Olympians at the opening parade of the London Games. Philippines' flag bearer Hidilyn Diaz holds the national flag as she leads the contingent in the athletes parade during the opening ceremony of the London 2012 Olympic Games at the Olympic Stadium July 27, 2012. Reuters
Tanging dasal ang pabaon ng pamilya ng nag-iisang Filipino boxer na si Mark Anthony Barriga para sa misyon nito na makakuha ng kauna-unahang gold medal ng bansa sa idinaraos na 2012 London Olympic na nagsimula nitong Sabado.

Sa report ni Glenda Sabenorio ng RGMA-Davao sa DZBB, kumpiyansa ang pamilya ng 19-anyos na si Barriga, residente ng Purok 2, San Vicente, Panabo City, na magtatagumpay ito na makuha ang gold medal sa flyweight (48kg) division.

Si Barriga ay kasama sa delegasyon ng 11 atletang Filipino na susubok na makapag-uwi ng mailap ng medalyang ginto.

Nagsimulang magsanay bilang boksingero si Barriga noong 9-anyos pa lamang siya; ang kanyang ama ang naging una niyang trainer.

Ang amateur boxing career ni Barriga ay nag-umpisa sa Barangay Una Boxing Program sa Panabo City na itinaguyod ni Antonio "Tonyboy" Floirendo, Jr., ang Chief Operating Officer (CEO) ng ANFLOCOR Group of Companies.

Maliban kay Barriga, ang iba pang Filipino athletes sa London Olympic ay sila:

Jhessie Khing Lacuna – Swimming

Jasmine Alkhaldi – Swimming

Marestella Torres – Athletics

Rene Herrera – Athletics

Paul Brian Rosario – Shooting

Tomohiko Hoshina – Judo

Hidilyn Diaz – Weight lifting

Daniel Caluag – Cycling

Rachel Ann Cabral – Archery

Mark Javier – Archery

Mahiti 10,000 atleta mula sa 204 bansa ang magtatagisan sa 26 na palaro sa loob ng 17 araw. – MM/FRJ, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement