ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagong Kapuso station ID, pang-Hollywood ang dating


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
GMANews.TV
Tiyak na maiibigan ng mga Kapuso viewer ang ilulunsad na bagong station ID ng GMA Network na ginamitan ng mga pinakabagong teknolohiya sa paggawa ng produksiyon gaya ng mga pelikula sa Hollywood. Sa shoot ng station ID, ibinahagi ng multi-awarded film cinematographer at GMA VP for Post Production na si Edward Achacoso, na namuhunan ang GMA Network sa pagbili ang mga state-of-the-art production at editing tools para sa proyekto. “We had major add-ons in this year’s budget for the procurement of best-of-class high definition cameras and graphics machines. These tools are of the same standards as those used in Hollywood movies such as Transformers and Avengers," ayon kay Achacoso. Dagdag pa niya, ang ginawang station ID ngayong taon ang may pinakamalaking production team na kinabilangan ng 180 personnel. “We hope to top the current GMA SID in terms of production and editing values," pahayag ni Achacoso. Ang grupo ni Achacoso ang siya ring nasa likod ng New York Festivals award-winning LupangHinirang ID, na napapanood sa mga sinehan. Ang station ID na kinatampukan ng Kapuso theme song na unang umere noong 2002, ay magkakaroon ng updated version at malapit nang mapanood sa Kapuso Network. – FRJ, GMA News