GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Palasyo: Bourne Legacy inaasahang makatutulong sa pagtaguyod ng turismo

July 29, 2012 6:23pm
Inaasahan ng Malacañang na makatutulong sa paghakot ng mga turista sa Pilipinas ang pagpapalabas ng spy thriller "The Bourne Legacy."
 
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inaasahan pa rin ng Palasyo na patuloy pa ring magsusumikap ang Department of Tourism na hikayatin ang mga turista na bumisita sa bansa.
 
“The showing of ‘The Bourne Legacy’ will be a small part of what our fellow workers in the Department of Tourism are doing,” ani Valte sa panayam ng government-run dzRB radio.
 
Ayon sa kanya, kasalakuyan pang sinusulong ng DOT ang paghihikayat ng mga South Korean na turista na bumisita sa bansa.
 
“Tourists in South Korea make up one of the biggest groups of tourists we have in the country and also in Boracay,” ani Valte.
 
Karamihan sa eksena sa ilalabas pa lang na pelikula ay nakuhanan sa Pilipinas. Mapapalabas sa Pilipinas ang pelikula sa darating na Agosto 5.
 
Nang tinanong kung dadalo si Aquino sa premiere, ani Valte: “Normally walang pagkakataon ang pangulo na manood ng premiere at sine. I’ll have to ask him if he has any intentions.”
 
Samantala, inihayag ni Valte na nanawagan ang Palasyo sa mga pulis na agad na rumesponde sa kriminal na nambibiktima ng mga turista.
 
“We’d like to see more progress when it comes to that, we’d like to see our police move more quickly on that,” aniya. — Mandy Fernandez/DVM, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement