GMA News Online Public Affairs » Brigada

Brigada

Pahiyas, Bikini Open at Gay Sagala sa iisang Brigada

July 30, 2012 9:03am
PAHIYAS
Kung makulay na piyesta ang pag-uusapan... tiyak pasok na riyan ang Pahiyas ng Lucban! Ang makukulay at kakaibang gayak ng mga bahay rito... matagal na panahon nang nanghahalina ng mga turista para makisaya sa kanilang taunang pagdiriwang at pasasalamat sa kanilang patrong si San Isidro Labrador. Binabalik-balikan din dito ang magigiliw na mga tao pati na ang masarap nilang pagkain katulad ng pansit at longanisa! Unang beses na makiki-piyesta rito ang ating ka-Brigadang si Steve Dailisan... at dito natuklasan niya kung paano nga ba paghandaan ang isa na marahil sa pinakamasaya at pinaka-Pinoy na piyesta!

GAY SAGALA
Tuwing Mayo... nakaabang na ang mga kalalakihan sa pagparada ng mga naggagandahang dilag na tila pang-beauty queen ang gayak. Ito ang Santacruzan...  kadalasang pangwakas na pagdiriwang ng Flores de Mayo bilang pagpupugay sa mahal na Birheng Maria. Ngunit kamakailan... umalma ang simbahang Katolika dahil sa naglipanang mga Santacruzan sa ilang barangay na mga bading ang nagsasagala. Diumano... pambabastos daw ito sa Panginoon at sa simbahan. Ngunit ang grupong Ladlad... tuloy pa rin sa kanilang nakatakdang sagala sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City... at dadayuhin ito ng ating ka-Brigadang si Dano Tingcungco upang tuklasin kung karapat-dapat nga ba itong ikundena.

BIKINI OPEN
Kahit nag-uuulan na't patapos na ang summer... hindi pa rin paaawat ang ilan nating kababayan na ipangalandakan ang pinaghirapan nilang sexy superbods! Kaya naman para masulit ang nalalabi pang summer heat... kaliwa't kanan ngayon ang mga bikini contest! At ang mga kalahok... handang ipakita ang kanilang katawan para madaig ang mga kalaban! Masasabi na nga bang bikini contest na ang makabagong beauty pageant ngayon? Aalamin ng ating ka-Brigadang si Rida Reyes ang mga sikreto kung paano makikipagtalbugan pagdating sa paseksihan!


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Brigada on Facebook
Brigada on Twitter
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement